edtine


Walking away.
May 2, 2019, 8:15 pm
Filed under: Uncategorized

Hindi ako sanay magpaalam kaya nawawala nalang ako bigla. Ayoko na ng mahahabang usapan, yung tipong maayos na pamamaraan. Mas gusto ko nalang mawala agad. Itigil ng bigla. Mas nagiging okay ako.

Mejo unfair, tinanggap ko lahat kahit niloko/nagsinungaling sakin. pinatawad ko kahit moral ko bilang babae natatapakan na. Kahit sarili ko natatanong ko na, “baka nga ganon ako” yung respeto sa sarili ko nakalimutan ko na. Siguro nga yung mga bagay na yan, maliit lang. walang bilang.

Iniisip ko, kung hindi nya kaya alam lahat ng tungkol sa buhay ko. Pagkatao ko, mga nakaraan ko na sinabi ko kahit di nya tinatanong, nakakahiya man, nakakadiri man, shinare ko kasi gusto ko makilala nya ako. Na ganito ako, dahil sa lahat ng napagdaanan ko. Hindi naman awa ang kailangan, subukan lang sana ilagay mga paa nya sa sapatos ko. Subukan nyang lakaran yung nilakad ko. Pero hindi, pangiinsulto pa naririnig ko. Masakit pero kailangan ko tanggapin. Hindi kasing lawak ng ibang tao yung pagiisip nya. Bukod tangi sya, na kaya akong sabihan na “pokpokin ka, walang nagmamahal sayo, kulang ka sa aruga, kulang ka sa pansin,”at ang pinakamasakit, parausan ka lang” hindi ko alam pano ko buburahin sa isip ko lahat yan. Kung pano ko ipipilit sa sarili ko na hindi ako ganito. Hindi kantulad ng sinasabi nya. Mas kilala mo sarili mo.

Oo, pangit ugali ko. Wala sa lugar umarte. Lahat wala sa lugar. Pero hindi ko ata din deserve na ma insulto ako ng paulit ulit. Yung sakit ng ulo na bigay ko, wala sa kalingkingan na durog na durog na pagkatao ko.

Tanga nga talaga ako na tinanggap ko pa. Ako pa naiwan sa dulo. Pero okay na din, eto naman talaga dapat ang ginawa ko a year before pa. Sa kanya ko na ibibigay ang eksena na yon.  Mas okay nadin. Mamahalin ko nalang ulit sarili ko, mas mamahalin. Para sa taong karapat dapat sakin buo ako.

Pero salamat padin. Naranasan kong makasalimuha ng taong iiwasan ko na sa susunod.

Kung sino ka man, wish all the best in life.



Happiness?
September 25, 2018, 4:08 pm
Filed under: Uncategorized

May question mark talaga sya haha! Asan ang happiness! Jusmio! Sooobrang ang damot ng tadhana saken. Hindi ako maging masaya ng diretso. Yung tipong eto na, I can feel the happiness inside and everything then biglang “anong happiness ka jan? Di pde!” Kaya ayon balik sadness ulit. Di pwedeng tuloy tuloy naman po. Ayaw ako pasayahin ng mundo mga bes! Bawal ata. Pinaparusahan ako ng mundo!

Minsan napapatanong nalang ako kung deserve ko ba talaga lahat to? Binabawian na ata ako. Yung frustrations na gusto mo yakapin at tanggapin para di mo na isipin di ka na malungkot pero wala talaga. Laban na laban every single day! Yung disappointments na binibigay ng mga tao sa paligid mo, ayaw mo na ngang pansinin at itawa mo nalang pero wala napupuno ka din agad agad. Haha. Yung mga pagkakamali na gusto mong tanggapin at ipaintindi sa sarili mo tao lang nagkakamali din pero hindi tinutusok padin puso mo. Ano ba. Kelan ba ako mamamanhid nalng sa lahat ng nangyayari sa paligid ko. Sa mga naririnig ko. Para keribels nalang. Madadali buhay ko mga ateng. Hahaha.

Gustong gusto mo maging positibo sa life pero eto nanaman ulit sa pagsampal sakin ng katotohanan. Wew! Gabi gabi iiyak paggising ngingiti at sasabihing “may maganda sana mangyari sakin ngayon” ending… wala! Hahaha. Pero pasalamat padin at nagigising pa ako isang magandang pangyayari na yon. Pero parang minsan gusto ko mamatay na ako habang tulog hahaha! Sobrang laban sa buhay nangyayari.

Alam ko naman, pinapatatag lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Siguro dati kasi madali ko lang nakukuha lahat ng gusto ko. Umaayon lahat sa gusto ko. Ngayon nararanasan ko na talagang madurog, nararanasan ko na madisappoint, nararanasan ko na lahat ng masasakit at mahihirap na di ko naranasan non. Oh well, thank you life! Hahaha. Saya saya mabuhay. 😂

Labaaaan lang Bulu! This too shall pass💪



Forgive and Learning to Forget. 😇
June 27, 2018, 2:18 pm
Filed under: Uncategorized

“Pu*ang*na!” Mga 100 times ko nasabi yan nung nakita ko lahat. Though di ko alam kung lahat na talaga yon. Plus nanginig na buong katawan, nasusuka pero walang lumalabas. Disaster sya bes! Haha. Yung gusto mong ibato yung cp na hawak mo pero di pwede kasi hindi sayo yon hahahahaha. Naawa pa ako ng kunte. Sobrang pangit na alaala to be honest. Akala ko everything is totoo, akala ko everytime na sasabihin nya yon totoo. But alam talaga ni Life kung pano ka babasagin. Its sobrang unfair sa side ko, sobrang pambabastos sa side ko. Especially pag ikaw yung alam mo sa sarili mong hindi mo nagawa yun kahit isang beses sa kanya. Pero sabi ko nga, THATS LIFE! Hahaha. More than a month na from that nightmare and writing this, to be honest, hindi na sya ganon kasakit. Maybe tinanggap ko na, things happen for a reason. Hindi ko alam yung rason pero I think its a lesson for me and also to that person. Nalaman kong sobrang mahal ko pala talaga sya HAHAHAHA. Magbigay ng chance sa isang tao struggle na sakin yon what more pa na pagkatiwalaan mo ulit. Pero I will give a try. Kasi mahal ko yung tao 😊

Lahat naman siguro nagkakamali. Lahat talaga nakakagawa ng katangahan, kagaguhan, kalokohan, kasinungalingan, etc sa buhay. Pero sana once is enough na mga bes.

Yung pangyayari na yon, muntik na ako masiraan. Hahaha. Literally. Lakas maka baliw at praning mga atweng! Hahaha. Yung lahat gusto mo nalang patayin ng matahimik ka na. Yung gusto mo masira din buhay ng taong yon. Hahaha. Ganon kalala impact non saken. Buti naka ahon ako HAHAHA. Yung everytime magagalit ako gusto ko tagus tagusan sa heart nya para “tangna kulang pa” feeling ganon. Hayst. Naging soooooobrang sama kong tao because of that pain. Hindi ko na nakilala sarili ko sa mga sinabi ko. Thats why I made a choice. Kalimutan na natin yung sakit at galit, Tine. From then on, I promised to myself to move on. Yung nangyari hindi ko makakalimutan, pero gusto ko everytime maalala ko ang maiisip ko at mararamdaman ko nalang, pinatatag ako neto at Thank You Lord hindi mo ko hinayaang tuluyang masira 😇☺️😊

Another Milestone ng buhay Tine! 💪👍



Nasa point na ako…
November 26, 2017, 9:04 am
Filed under: Uncategorized

Nasa na nga ba? Hindi ko nadin alam. Ang alam ko sobrang lungkot at hirap na hirap ako ngayon. Totoo nga yung sinasabi nilang madudurog ka. Yung magsisimula sa loob, paunti unti. Hanggang sa mag surface at hindi mo na makontrol. Sobrang hirap pala talaga. Yung pinilit mong itago at sarilihin kaya lang mas lumalala habang pinipigilan mo. Ung ayaw mo madamay sa pinagdadaanan mo pero ang dami mo ng nasisira. Alam mong mali alam mong ikaw ang may kasalanan alam mong ikaw may problema. Pero di mo matanggap na bakit ikaw. Palaging magisa. Yan palagi pakiramdam. Na salahat ng tao bakit napaka malas mo naman ata at nasalo mo na lahat. Bakit? Napaka bait ng tadhana sayo. Napakadaya ng buhay sayo. Hindi ko na makita kung pano alagaan yung ibang bagay dahil nakapaligid na ata saken puro problema. Hindi ko na makita ung magagandang nasa tabi ko kasi ang panget na ng nangyayari saken. Hindi ko na ma appreciate yung nagi stay sa tabi ko dahil galit na galit na ako sa mundo. Bakit? Ang daya talaga. Naisahan nanaman ako ng buhay. Sobrang cheater ng buhay. Kala ko okay lang ako. Kala ko aayon lahat sa gusto ko. Binabawi na ata lahat ng naging kasalanan ko sa mundo. Ngayon na ata ako binabawian. Ang daya naman wala ako panlaban. Sana alam ko na ganito gagawin saken para prepared ako. Wala, sabay sabay. Iyak at maraming iyak lang nagagawa ko. Sana kayanin ko to. Hanggang san ko kakayanin? 😞



Young, Dumb, Broke
September 29, 2017, 1:56 pm
Filed under: Uncategorized

Song by Khalid. Pero parang kanta ng buhay ko.

Bakit pinipilit natin yung mga bagay na alam nating ang hirap hirap na. Bakit nag stay pa sa bagay na nasasaktan ka nalang. Bakit. Tanga. Sobrang tanga. Naging tanga na sa dami ng pinagdaanan. Ang dali lang lahat kalimutan. Ang dali lang lahat bitawan. Pero bakit nandito pa din. Bakit. Tanga. Humahawak padin. Kahit isang daliri nalang. Umaasa padin kahit unti unting dumidilim na ung liwanag. Bakit. Ang tanga talaga.

Mahirap. Umpisa palang mahirap. Patagal ng patagal ginagapang nalang. Bakit. Naghihingalo na ba? Bakit. Laban. Sabi mo. Ang tanong anong pinaglalaban.

Naubos na. Mukang natuyo na lahat ng luha. Yung puso, tumitibok pa. Pero patay na. Ang hirap pag  galing sa loob na yung sakit. Hindi na ba tama? Mali na ba? Mali ba talaga? Kahit isang tama wala ba? Bakit.

Ang daming pangarap. Nasan na? San nagkamali? Pwede bang balikan? Itama. Pero hindi na. Nangyari na. Dumidilim na. Lumuluwag na ung dating parang tuko na pagkapit. Bakit. Gusto malaman bakit.

Isang tao lang nga ba nagkamali? Isang tao lang ba ang dapat sisihin? Bakit. Isang tao lang ba talaga ang tanga? Isang tao lang ba ang umasa? Bakit.

Ipahinga muna ang pusong malapit ng mapagod. Puno ng hangin. Pusong parang sasabog na sa sakit. Sana nga sumabog na. Nahihirapan. Nasasaktan. Napapagod.

Hindi nga siguro para sa isat isa.



Lalaban pa?
August 27, 2017, 1:40 pm
Filed under: Uncategorized

Bakit parang ang lapit na. Habang tumatagal, pasakit ng pasakit. Pahaba ng pahaba yung sakit. Padalas ng padalas. Hindi ko na mahihintay yung kailangan kong hintayin? At hindi ko nadin alam kung deserve nya pa lahat ng to. Sooner or later mawawala nalang bigla. Sooner or later titigil nalang lahat. Ayoko pa. Pero napakahirap na. Almost 4yrs of fighting. Madami pang nilalabanan. Madami pang problemang dumadating. Sooner or later. Gusto kong lumaban. Ayoko ng maging selfish. Lahat ng nasa paligid ko mas gugustuhin kong maging masaya nalang sila. Lalo na sya. I want her by my side pero di nya dapat pagdaanan pinagdadaanan ko. Want to push her away. Wag lang nyang makitang unti unti na akong nawawala.

Lalaban pa ba?



6months
June 20, 2017, 1:22 am
Filed under: EXPERIENCE, Uncategorized

“6months. More or less.”

Nung una narinig tumigil ang mundo. Nag flashback lahat. Nakita lahat ng taong dumaan sa buhay. Lahat ng pangarap. Isang oras bago nag sink in, dalawang oras umiyak sabay ng pagtanong ng Bakit. Bargaining. Masakit. Malungkot. Sobrang lungkot. Kung iisipin lahat ng napagdaanan at lahat ng sakit, matatanggap mo nalang lahat ng nalaman. Tuloy lang ang buhay.

Isang tao lang ang iniisip. Isang tao lang ang ayaw masaktan. Pinilit itago. Pinilit ituloy na parang wala lang. Selfish kung titignan na nandamay pa ng tao. Mas masasaktan lang siguro sya kung wala syang alam. Gusto maging masaya sa natitirang buwan. Walang problema. Balikan mga araw na masasaya. Balikan nalang magagawa dahil hindi alam kung hanggang saan. Nasa gitna ng tanggapin at di matanggap. Napakabilis ng lahat. Binawi naman lahat.

Lalaban lang. Hindi iisipin ang anim na buwan. Hindi iisipin na baka bukas o mamaya katapusan na. Mabubuhay padin ng normal. Mabubuhay padin para sayo

Laban lang. Samahan mo kong lumaban. Mahal na mahal kita JPB. Patawad sana mapatawad mo ko. Gusto ko maalala mo ko na nagmahal sayo sa lahat ng paraan na kaya ko. Sana maalala mo ko na malakas lang at hindi iyakin. Magpapakasaya lang tayo ayoko isipin mo ang anim na buwan Palagi lang dapat tayo masaya Magaway pa din tayo magmurahan sa isat isa Sana wag mo ko bitawan Sana maging mas malakas ka sakin

Lalaban ako. Lalaban tayo.