edtine


Just a Feeling
November 19, 2016, 8:16 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

Feeling unwanted. Feeling taken for granted. Feeling not good enough. Feeling useless. Feeling lost. Feeling cheated on. Feeling pained. Feeling hurt. Feeling broken. Feeling disappointed. Feeling sad. Feeling broken. Feeling frustrated. 
Ang daming “feeling” Bat puro negative. Haha. Overall kahit ganyan minsan nararamdaman ko, na kahit sarili ko nakukwestyon ko na “sapat nga ba talaga ako?” ayoko bumitaw. Ayoko magpatalo sa mga nararamdaman ko. Baka masyado lang akong matalino. Masyado lang nga siguro akong OA. Pag nga siguro mahal mo ng sobra yung tao gusto mo nalang ibigay lahat para maging masaya sya kahit yung iba alam mong di mo pa talaga kaya. May tamang panahon ang lahat. Sana maisip nya yan. Hehe. Pero… ang daming pero. Mararamdaman mo lahat pag nagmamahal, nakakabaliw nga talaga. Na kahit sa kanya ka magalit, iiyak mo nalang dahil alam mong may pagkukulang ka. Aasa ka nalang at magdadasal na sana maintindihan nya pa hanggang dumating yung tamang panahon. Pero hanggang wala pa at napakalayo pa, paulit ulit ka nalang pipikit at iintindihin lahat. 
Sana. Sana. 
Feeling hopeful. – TINE❤️❤️❤️

Advertisements


5am
November 18, 2016, 9:18 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

“Nais kong malaman mo na ikaw lang ang nasa puso ko. At kahit na anong  mangyari ikaw parin ang iibigin ko.” – Letter Day Story

I’m not into OPM, pero ang ganda lang ng kanta na to. Haha! Hugot na hugot hanggang sa libingan ni Marcos. Char! Timing lang sa estado ng puso ko ngayon. Char ulet. (Hindi na nagsulat ng maayos) 

5am thoughts? Nagugulat lang ako sa sarili ko lately. Mukang nagkakatotoo na yung sumpa saken “makakahanap ka ng taong magpapabago sayo at masasabi mong mahal mo talaga yung totoong mahal mo talaga.” eto na ata yon bes! Hahaha! Nakakatakot. Alam ko, malalim to pag nasaktan ako. (Drama bes!) Pero sabi nga nila, walang nagmahal na di nasaktan. Iba’t ibang intensity nga lang. juskupo! Nakakaloka!

Christine Joy Serion Buluran totoo na po sya. Hindi na po sya ang dating nilalang na nakilala ko. Ibalik nyo po sya.. joke!  


Kung sino man rason ng lahat na to. Salamat. Sana matagalan mo pa! Wala nga talaga sa tagal ng pagsasama. Nasa nararamdaman yon. (Ang corny ko na. Tulugan na) 
*mukang basag lang yung post ko today.* TINE ❤️❤️❤️



American Girl
September 29, 2016, 1:22 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

Tatlong buwan na ang nakakalipa simula ng marating ko tong bansang to. At ang hirap pala, nung una ang saya kasi ang lamig ng  hangin, walang polusyon. At ang tahimik, pag tumawa ka rinig na kabilang block. Haha! Pero ngayon, mahirap na! Kailangan na naming magkaron ng trabaho at mahirap ding maghanap.

 

Nalulungkot pa ako dahil may mag-asawang doktor na handang magbayad para sa NCLEX ko pero naiipit ako kung tatanggapin ko at babaliwalain ang hiling ng Daddy ko na huwag akong mag-stay sa States. Huhu. Ang hirap, nandito ang future ko pero may humaharang. At hindi lang yun, may mga issue pa sa bahay na ito, pero okay lang yun, kayang dedmahin. Nakakalungkot. Ayokong umuwi, gusto ko dito.

 

Ang daming nangyayari, at ngayon di ko alam, nahuhulog ako sa isang taong alam kong di dapat. Oh please. Sya lang ang gusto ko makita, pag di ko nakikita ang lungkot ko. Haha! Kahit patago kaming mag-usap dahil di dapat malaman na naguusap kami tungkol sa nangyayari sa loob ng bahay. Hindi talaga dapat, pero ewan ko. He knows how to please a woman. Wow woman ako. Haha! Ganun nga siguro pag womanizer, according to someone. Ang saya ko lang pag nakikita sya. BAKIT KASI NARARAMDAMAN KO TO?!

“Sobrang late post to. Privately published ngayon ready na gawing public.”



Welcome back
August 22, 2012, 7:54 am
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

So, its almost 8 months na di ako nakapagpost dito. Whuuut. :)) Maraming nangyari. I am now a un-employed kid here. My last post was about my review class pa. And now, waiting for tomorrow for the results. Hope I can make it. Crossed-finger. 

My post will be only because I already finished reading  Fifty Shades! :)) So erotic! But also romantic. Jeez! I hope there is real Christian Grey. Sorry boyf. Haha! 

And also, I am missing my own Christian Grey. Bumabawi lang.

Anxiety is pricking on my skin, err. I just hope it will be a good news tomorrow. As the end of the day is coming, I know the reality will surely come in our heads. Crap. I don’t want to be a  nuisance or something like that for my family. I really need to pass!

Hard times? Yes, sort of. Maybe because of boyf’s decision to be one of those men in blue. I’m scared but I’m not in the place to stop him. Opportunity only knocks once. I pray and I hope to God that He give me courage to accept it.

 

 

Below is a crop photo from Fifty Shades of darker. 🙂 I really love this quote. Maybe I want to say this to him. I really can’t imagine.

 

 

 

 

 

 

 

 

So drama, eh? Sorry. Eto lang naman ang nadulot sakin ng pagbabasa ng novel na to. Haha. So giddy! Well, life it is. 🙂



“Let’s start it with forever.”
December 10, 2011, 10:04 am
Filed under: EXPERIENCE, LOVE, OPINION

Sounds familiar? HAHA. Yes. A line coming from a very romantic movie of the year. HARHAR. Twilight Saga: The Breaking Dawn.

Nagsulat lang ako nito kasi eto yung first movie ng Twilight Saga napinanood ko sa big screen. Haha. Na-excite kasi ako sa kwento ng pinsan ko na medyo may nakakatawa daw. Ayun, nung nakita ko yung movie, buong movie na pala yung nakwento niya. Pero sulit naman para sakin. Pero syempre, wala namang movie na walang nagsasabi na pangit. :))

Kaya lang, sobrang nabitin ako. Gawd. Di na ako makapaghintay na mapanood ang Part 2 nun. :)) Si Bella (Kristen Stewar), sobrang sexy na niya sa mga scenes. Infairness, babae na siya. And still, Edward (Robert Pattinson), may kakaiba talaga siyang karisma pagdating sa mga babae. Unfortunately, hindi ako nahatak ng karisma niya. :))) He’s cute but not that handsome. Sorry sa mga may fans sa kanya na makakabasa nito. HAHAHA.

All in all, hindi naaksya ang pera ko sa panonood nito. :)) Sobrang kinilig ako, dahil sobrang cute nila. I am still not a fan of Jacob. HAHA. Di ko talaga siya gusto kasi di ko alam yung real name niya. HAHAHAHA. Bias. 🙂

At dahil din sa movie na to, may bago nanaman akongkinaadikan na kanta. :))

http://www.youtube.com/watch?v=rtOvBOTyX00&ob=av2e



TRUST
June 28, 2011, 8:09 am
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

Ang ikli lang na salita pero sobrang laki ng nagagawa sa tao. Makagawa lang ng mali sa tao, nasisira na yan. Kaya nga sabi nila, mahirap daw talaga ibalik ang tiwala once na nasira mo na.

Based on my experience, totoo nga na pag nasira na to, mahirap na maibalik. Kahit ilang beses ng  nagpakita ng kabutihan yung tao sa’yo hirap ka padin pagkatiwalaan siya. Pero may kasabihan sila na “Huwag husgahan ang tao sa isang pagkakamali lang.”, “Kung ang Diyos nagpapatawad, tao pa kaya.”. Ang hirap diba? Pero totoo naman yang mga kasabihan na yan. Siguro nga may tamang panahon para mapatawad ang isang tao pero hindi nga lang agad-agad.

Pero kung paulit-ulit ka namang hinahamon ng tadhana? Ang lalim naman. 🙂 May mga tao kasi na sobrang bait. Di mo alam kung tanga sila o sadyang namanahan lang talaga sila ng kabutihan na walang katulad ng Diyos, eh. Yung tipong, IN THE FACE na sila niloloko, tanggap padin! EMEGED. Di ko naman na ata kaya yun! 🙂 One my friend is like that. Share ko lang sa inyo. Siya na ata ang pinakamabait na tao na nakilala ko. Since sa first BF niya, napiga na ata lahat ng PRIDE niya. WALA na talaga. Kahit alam niya na may kinakasama ng iba ang BF niya, love padin niya. Natuwa naman ako at nauntog siya at natuto ng magmahal ng iba. PERO, mas matindi pa pala yun! (WTF LANG). 4 months palang nagsasama niloloko na pala siya. DI niya pa malalaman kung di niya mahuhuli. (SWERTE NIYA, PLEASE) Pero dahil sa mabait siya? Sila padin hanggang ngayon.

That’s life, as she said, “Mahal ko talaga siya.”

Pero di lang naman babae ang may ganyang scenario, pati naman din ang mga guys. Pero madalang nalang siguro, ang mga lalaki ang kilala sa magiging ma-PRIDE. Boys will always be boys. Pero di naman lahat. 🙂

So ano nga ba ang dahilan kaya ako napasulat ng post na ito. 🙂 Trip ko lang. 🙂

Here it goes. Naranasan niyo na bang i-test kayo ng mahal niyo kung gano niyo sa kamahal? Sample is that, pagseselosin kayo ng todo. Na yung tipong di niya alam na nasasaktan ka na niya, pero sasabihin niya na test lang daw. Gagawa ng prank call na, na kunyari ay may kinakalantari siya na iba and vice versa? Ako? OO. At ang pangit sa pakiramdam. Lalo na pag alam mong mahal mo naman siya at alam naman niya yun. Lahat ng bagay ginagawa mo para sa kanya, siya na ang nasusunod and in the end, ikaw padin ang makukuwestiyon. KALOKOHAN DIBA?

Minsan talaga pangit sa pakiramdam na tine-test ka pa kung gano mo kamahal at gano ka ka-loyal sa isang tao. Once, twice or thrice may be good, pero yung palagi na, at parang pinaglalaruan na yung damdamin mo? Nakakapagod na yun. It only shows na wala silang tiwala sayo. And you cannot entrust yourself to people like that. Sinasaksak ka na pala di mo pa alam. Malalaman mo nalang pag ubos na dugo mo.



All about LOVE.
May 28, 2011, 4:38 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

Ayoko talagang nag-oopen about sa love or nagkukwento. Nakakapagod kasi paulit0ulit, wala namang bago sa love life ko. Ngayon? Medyo dull lang. Di ko ramdam ang BF ko, kaya siguro nasabi ko yung ganung post sa FB ko. HAHA. Ang sama lang talaga ng pagkakasabi ko, pero wala na akong magagawa. NASABI ko na.

Okay naman kami nitong mga past days, masyado lang ata akong nalulungkot kaya ko nasabi yun. BAHALA na. Kung makipagbreak siya, okay lang. Iba talaga ako magmahal. Hindi ko ibaba pride ko kahit kanino, siguro sa magiging asawa ko. Let me rephrase that, sa asawa ko. Hahaha.

Masasabi ko ngayon, malungkot. At ayoko ng maging malungkot. EVER.

I feel so sad. Tingin ko malapit na ang katapusan ng relasyon namin. Nagtitiisan nalang kami sa ugali namin. 😦 Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan? Help me Lord. Ayoko maghiwalay kami. Sana may sign.

Kung trip lang yung text na yun, okay pero magagalit padin ako. Pero kung totoo yun. GODDAMIT! Mamumura ko siya ng pinkamalutong na maririnig niya sakin.

Please be kind. I don’t wanna hurt my bhebhe. Pero nasasaktan na ako. 😦

Don’t know what to do na. 😦