edtine


6months
June 20, 2017, 1:22 am
Filed under: EXPERIENCE, Uncategorized

“6months. More or less.”

Nung una narinig tumigil ang mundo. Nag flashback lahat. Nakita lahat ng taong dumaan sa buhay. Lahat ng pangarap. Isang oras bago nag sink in, dalawang oras umiyak sabay ng pagtanong ng Bakit. Bargaining. Masakit. Malungkot. Sobrang lungkot. Kung iisipin lahat ng napagdaanan at lahat ng sakit, matatanggap mo nalang lahat ng nalaman. Tuloy lang ang buhay.

Isang tao lang ang iniisip. Isang tao lang ang ayaw masaktan. Pinilit itago. Pinilit ituloy na parang wala lang. Selfish kung titignan na nandamay pa ng tao. Mas masasaktan lang siguro sya kung wala syang alam. Gusto maging masaya sa natitirang buwan. Walang problema. Balikan mga araw na masasaya. Balikan nalang magagawa dahil hindi alam kung hanggang saan. Nasa gitna ng tanggapin at di matanggap. Napakabilis ng lahat. Binawi naman lahat.

Lalaban lang. Hindi iisipin ang anim na buwan. Hindi iisipin na baka bukas o mamaya katapusan na. Mabubuhay padin ng normal. Mabubuhay padin para sayo

Laban lang. Samahan mo kong lumaban. Mahal na mahal kita JPB. Patawad sana mapatawad mo ko. Gusto ko maalala mo ko na nagmahal sayo sa lahat ng paraan na kaya ko. Sana maalala mo ko na malakas lang at hindi iyakin. Magpapakasaya lang tayo ayoko isipin mo ang anim na buwan Palagi lang dapat tayo masaya Magaway pa din tayo magmurahan sa isat isa Sana wag mo ko bitawan Sana maging mas malakas ka sakin

Lalaban ako. Lalaban tayo.



Just a Feeling
November 19, 2016, 8:16 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

Feeling unwanted. Feeling taken for granted. Feeling not good enough. Feeling useless. Feeling lost. Feeling cheated on. Feeling pained. Feeling hurt. Feeling broken. Feeling disappointed. Feeling sad. Feeling broken. Feeling frustrated. 
Ang daming “feeling” Bat puro negative. Haha. Overall kahit ganyan minsan nararamdaman ko, na kahit sarili ko nakukwestyon ko na “sapat nga ba talaga ako?” ayoko bumitaw. Ayoko magpatalo sa mga nararamdaman ko. Baka masyado lang akong matalino. Masyado lang nga siguro akong OA. Pag nga siguro mahal mo ng sobra yung tao gusto mo nalang ibigay lahat para maging masaya sya kahit yung iba alam mong di mo pa talaga kaya. May tamang panahon ang lahat. Sana maisip nya yan. Hehe. Pero… ang daming pero. Mararamdaman mo lahat pag nagmamahal, nakakabaliw nga talaga. Na kahit sa kanya ka magalit, iiyak mo nalang dahil alam mong may pagkukulang ka. Aasa ka nalang at magdadasal na sana maintindihan nya pa hanggang dumating yung tamang panahon. Pero hanggang wala pa at napakalayo pa, paulit ulit ka nalang pipikit at iintindihin lahat. 
Sana. Sana. 
Feeling hopeful. – TINE❤️❤️❤️



5am
November 18, 2016, 9:18 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

“Nais kong malaman mo na ikaw lang ang nasa puso ko. At kahit na anong  mangyari ikaw parin ang iibigin ko.” – Letter Day Story

I’m not into OPM, pero ang ganda lang ng kanta na to. Haha! Hugot na hugot hanggang sa libingan ni Marcos. Char! Timing lang sa estado ng puso ko ngayon. Char ulet. (Hindi na nagsulat ng maayos) 

5am thoughts? Nagugulat lang ako sa sarili ko lately. Mukang nagkakatotoo na yung sumpa saken “makakahanap ka ng taong magpapabago sayo at masasabi mong mahal mo talaga yung totoong mahal mo talaga.” eto na ata yon bes! Hahaha! Nakakatakot. Alam ko, malalim to pag nasaktan ako. (Drama bes!) Pero sabi nga nila, walang nagmahal na di nasaktan. Iba’t ibang intensity nga lang. juskupo! Nakakaloka!

Christine Joy Serion Buluran totoo na po sya. Hindi na po sya ang dating nilalang na nakilala ko. Ibalik nyo po sya.. joke!  


Kung sino man rason ng lahat na to. Salamat. Sana matagalan mo pa! Wala nga talaga sa tagal ng pagsasama. Nasa nararamdaman yon. (Ang corny ko na. Tulugan na) 
*mukang basag lang yung post ko today.* TINE ❤️❤️❤️



American Girl
September 29, 2016, 1:22 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

Tatlong buwan na ang nakakalipa simula ng marating ko tong bansang to. At ang hirap pala, nung una ang saya kasi ang lamig ng  hangin, walang polusyon. At ang tahimik, pag tumawa ka rinig na kabilang block. Haha! Pero ngayon, mahirap na! Kailangan na naming magkaron ng trabaho at mahirap ding maghanap.

 

Nalulungkot pa ako dahil may mag-asawang doktor na handang magbayad para sa NCLEX ko pero naiipit ako kung tatanggapin ko at babaliwalain ang hiling ng Daddy ko na huwag akong mag-stay sa States. Huhu. Ang hirap, nandito ang future ko pero may humaharang. At hindi lang yun, may mga issue pa sa bahay na ito, pero okay lang yun, kayang dedmahin. Nakakalungkot. Ayokong umuwi, gusto ko dito.

 

Ang daming nangyayari, at ngayon di ko alam, nahuhulog ako sa isang taong alam kong di dapat. Oh please. Sya lang ang gusto ko makita, pag di ko nakikita ang lungkot ko. Haha! Kahit patago kaming mag-usap dahil di dapat malaman na naguusap kami tungkol sa nangyayari sa loob ng bahay. Hindi talaga dapat, pero ewan ko. He knows how to please a woman. Wow woman ako. Haha! Ganun nga siguro pag womanizer, according to someone. Ang saya ko lang pag nakikita sya. BAKIT KASI NARARAMDAMAN KO TO?!

“Sobrang late post to. Privately published ngayon ready na gawing public.”



PEPE GIRLS
October 23, 2013, 11:20 am
Filed under: EXPERIENCE, WORK

Ang baho lang ng pangalan. HAHA. Nagsimula sa asaran, sa paguusap about sa S-life, pagmumurahan sa isa’t-isa, yan ang pepe girls.

Pitong mga babae na tuwing magkikita kulang nalang lumubog ka sa pambubully. Bawal ang mapikon. Hahaha. Dahil sa closeness namin, naiissue na kami. Oh well, inggit lang sila ata sa friendship na meron kami.

 

Members

Members

 

Nakaharap mode. :)

Nakaharap mode. 🙂

BLOWJOB

BLOWJOB

 

THE TRIO! Ang winner sa issues. HAHA Wapakels!

THE TRIO! Ang winner sa issues. HAHA Wapakels!

 

Ang pinagmulan ng TRIO. HAHA. ( Mam Joyce, Me, Irish)

Ang pinagmulan ng TRIO. HAHA. ( Mam Joyce, Me, Irish)

 

 

 

This is how we roll! Kung sisiraan nyo kami make sure mas magaling kayo samin. Okay? 🙂 Alam namin kung ano kami at ang totoo. Masaya kami ikaw masaya ka ba?

 

:) Di ko na kailangang magexplain sa pic na to. :)

🙂 Di ko na kailangang magexplain sa pic na to. 🙂



Licensed.
March 4, 2013, 1:30 pm
Filed under: EXPERIENCE, WORK

It’s been two months na akong nasa Quirino Memorial Medical Center formerly known as Labor Hospital. So, trainee ako dun as RNHeals. Trainee pero may allowance. Keri boom na!! Hahaha.

Medyo di maganda ang record ko dun pagdating sa punctuality. Hihi. I’m always absent! Twice a month may record ako sa DTR. Hahaha. Dunno why? Pero siguro hindi ko lang naeenjoy ang pagtatrabaho ko dun. Hmmmm. Maayos naman ang mga kasama ko. Very friendly sila at palagi lang masaya ang duty namin lalo na pag benign ang duty. But…

Siguro hindi ko pa nararamdaman maging seryoso? Haaaayyy. Pero kailangan kong magseryoso. Sabi ko di na ako aabsent this month of March para makaranas naman ako ng buong sweldo pero… I did it again! Haha. Last Sunday lang absent nanaman ako. Bweset!

Anyways! I’m glad padin na may nagagawa ako. So, I guess matatapos ko ang 1 year na to. Akala ko hanggang 6mos lang ako e. Medyo toxic pero masaya. Nagagamit ko din ang 4 years na pinaghirapan ko.



Christmas!
December 24, 2012, 6:48 am
Filed under: EXPERIENCE

Yey! So whuut? Parang wala naman! Hahaha. Actually, I don’t know if this is a happy christmas for me. Hahaha. Una, wala pa akong trabaho as of now. Naghihintay padin. Sana. Pangalawa, lagi akong nag-iisa sa bahay nitong mga nakaraang araw. Lagi kasing umaalis sina Mommy and Daddy. Pangatlo, my hormones are crazy! Haha. On and off lang ang peg. Kaloka. Pati ako di ko na makontrol. Shizz. And lastly, namimiss ko siya. SIYA. Hahahahahaha.

Pero di pa naman Christmas today, 24 palang. Baka bukas may celebration na diba? Hahaha.

Anyhoo, sana maging masaya kayong lahat today and tomorrow. Stay with your loved ones.  And don’t forget to thank God. Haha!

Advance Merry Christmas to all!!