edtine


Hanggang Dito Nalang
March 31, 2017, 3:13 pm
Filed under: Uncategorized

Kung tunay ang paalam wag kana magparamdam. Dahil humihirap lang. 

Walong buwan. Walong buwan na nakasama ka. May malungkot na parte pero alam ko na mas madami ang masaya. Naging sobrang saya ko. Natuto ding matakot. Matakot na darating ang araw na susukuan mo ko. Susukuan natin ang isa’t-isa. Andito na tayo. Eto na yung kinatakutan ko. Masakit. Pero alam kong nagtiis naman tayo pareho. Pero siguro nga, di sapat na mahal nyo lang ang isat isa. Siguro nga hanggang dito nalang. Wala akong ibang hiling na sana kahit sa konting panahon naramdaman mo kung gano kita kamahal. Minahal kita sa paraan na alam ko. Pero siguro nga mali ako magmahal. Mahirap, alam kong mahihirapan ako. Pero kakayanin. ¬†Patawad. Patawad dahil bumitaw na ako. Patawad dahil pinapalaya na kita sa madamot na pagmamahal ko. Patawad dahil kinulong kita sa mundo ko na napakasikip para sayo. Patawad dahil inalis ko mga karapatan mo. Patawad dahil sobrang mahal kita. Nakakatakot pala. Nakakasakal na pala. Salamat sa walong buwan. Babaunin ko nalang lahat ng masasayang oras naten. Alam ko na bago kita iwan, napasaya kita kahit sa konting effort ko.

 

Salamat, Joanne.

2016-2017