edtine


Kung Maibabalik Ko Lang
November 28, 2016, 5:15 am
Filed under: Uncategorized

“I hope that I could turn back the time to make it all alright. All alright for us”

Mga panahon na di kita kilala. Na isa ka lang kaibigan ng kaibigan ko. Di ka nageexist sa buhay ko, at di din ako nageexist sa buhay mo. Okay lang ang lahat. May sarili tayong buhay, may mga sarili tayong minamahal. Ibang tao rason ng ngiti, luha, lungkot, takot at kung ano anong emosyon. Hindi sana ganito. Hindi sana tayo nagkakasakitan. Hindi sana tayo malungkot na bawat isa ang dahilan. Hindi ko sana masasabi ang salitang “Paalam” at di mo nadin sana ako hahayaan. Sana dati nalang. Sana mabalik ang lahat sa dati nung panahon na iba pa ako sa buhay mo. Sana mabalik ko pa. 

Pero isa lang alam ko sa ngayon, Mahal na mahal na mahal padin kita 



Just a Feeling
November 19, 2016, 8:16 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

Feeling unwanted. Feeling taken for granted. Feeling not good enough. Feeling useless. Feeling lost. Feeling cheated on. Feeling pained. Feeling hurt. Feeling broken. Feeling disappointed. Feeling sad. Feeling broken. Feeling frustrated. 
Ang daming “feeling” Bat puro negative. Haha. Overall kahit ganyan minsan nararamdaman ko, na kahit sarili ko nakukwestyon ko na “sapat nga ba talaga ako?” ayoko bumitaw. Ayoko magpatalo sa mga nararamdaman ko. Baka masyado lang akong matalino. Masyado lang nga siguro akong OA. Pag nga siguro mahal mo ng sobra yung tao gusto mo nalang ibigay lahat para maging masaya sya kahit yung iba alam mong di mo pa talaga kaya. May tamang panahon ang lahat. Sana maisip nya yan. Hehe. Pero… ang daming pero. Mararamdaman mo lahat pag nagmamahal, nakakabaliw nga talaga. Na kahit sa kanya ka magalit, iiyak mo nalang dahil alam mong may pagkukulang ka. Aasa ka nalang at magdadasal na sana maintindihan nya pa hanggang dumating yung tamang panahon. Pero hanggang wala pa at napakalayo pa, paulit ulit ka nalang pipikit at iintindihin lahat. 
Sana. Sana. 
Feeling hopeful. – TINE❤️❤️❤️



5am
November 18, 2016, 9:18 pm
Filed under: EXPERIENCE, LOVE

“Nais kong malaman mo na ikaw lang ang nasa puso ko. At kahit na anong  mangyari ikaw parin ang iibigin ko.” – Letter Day Story

I’m not into OPM, pero ang ganda lang ng kanta na to. Haha! Hugot na hugot hanggang sa libingan ni Marcos. Char! Timing lang sa estado ng puso ko ngayon. Char ulet. (Hindi na nagsulat ng maayos) 

5am thoughts? Nagugulat lang ako sa sarili ko lately. Mukang nagkakatotoo na yung sumpa saken “makakahanap ka ng taong magpapabago sayo at masasabi mong mahal mo talaga yung totoong mahal mo talaga.” eto na ata yon bes! Hahaha! Nakakatakot. Alam ko, malalim to pag nasaktan ako. (Drama bes!) Pero sabi nga nila, walang nagmahal na di nasaktan. Iba’t ibang intensity nga lang. juskupo! Nakakaloka!

Christine Joy Serion Buluran totoo na po sya. Hindi na po sya ang dating nilalang na nakilala ko. Ibalik nyo po sya.. joke!  


Kung sino man rason ng lahat na to. Salamat. Sana matagalan mo pa! Wala nga talaga sa tagal ng pagsasama. Nasa nararamdaman yon. (Ang corny ko na. Tulugan na) 
*mukang basag lang yung post ko today.* TINE ❤️❤️❤️