edtine


Steps to the future..
February 17, 2011, 2:25 am
Filed under: EXPERIENCE

Abokado po. Yan ang palagi kong nasasabi nung bata ako kung ano gusto kong maging. At naabot ko? Palo at pisil sa aking Tatay. Kaya siguro Nursing ako ngayon, kasi hindi ko masabi ng tama ang abogado. Sorry naman, bulol pa ako nun. =))

First year college, eto yung tipong culture shock ka sa lahat. Haha. Iba trends, lalo pa na galing ako sa probinsya at medyo conservative..yung mga taga dun. Hahaha. Aga ko dumating nung first day. 7AM Haha. Ang layo pa kasi ng pinanggalingan ko. Hallerrr! Yun, pero wala pa namang prof. 30 minutes kaming nsasa isang room at nalaman nalang namin na mali pala ang room na iyon, pagdating namin sa isang room nandun na sila. WOW! Ang rami nila. KATAKOT. New feces, este FACES. =)) 1 week lang, para kaming magkakakilala na ng matagal. =)) Ayun, palaging may dagundong ng tawa sa aming kwarto. Woo. Party palagi. =)) Hindi naman naging ganung kahirap ang adjstments from HS. Maliban nalang sa sobrang seryoso na pag-aaral. Dahil halos 3 months mo lang pagtatrabahuin ang grades mo. Grabe. At dito ko rin unang naranasan ang unang REMOVALS. Wooot! Naiyak ako, pero kinaya ko. Thanks to God, napasa ko naman. =) Kasabay ng pagsumpa na hindi na ito mauulit. EWAN KO LANG.  Matiwasay na natapos ang first year ko sa college. Kumpara ngayong 3rd year ako, mas higit na madali pa ang buhay nun o di lang ako masyadong nagseryoso lang talag? Hahahaha. Either way, tapos na. Kaya naulit ulit, bwisit. Removals ulit sa Logic, na pinilit ko pang itago sa Mama ko pero nakita din. Nakita ang resibo ng removal fee. MALAS PO. Medyo kinabahan ako dito, dahil nabalitaan ko na maraming di nakapag-capping dahil sa subject lang na ito! IMPORTANTE??! Pero nakapasa naman. 7 lang kaming nagremovals, hindi pa kami pinasa agad. Formality daw, PURO FORMALITY!!

2nd year. Masaya din to. Sa sobrang saya wala ako maalala. Hahaha. Eto ang masasabi ko  na pinakamapayapa kong year. Besides sa wala akong Removals nito, nakapasa din pala ako sa Capping namin! HUWAW! kahit na alam kong may kapit lang talaga ako sa school, pero nakakakunsensya padin. Hindi ako makapagsaya ng maigi knowing na may tumulong sa akin. Hirap ng ganun, kaya huwag kayong mag-aaral sa isang university na may kakilala ka. SUS. Pressure cooker ka. Eto lang ata highlights ng 2nd year life ko. Haha. Peaceful lang talaga ako this year.

3rd year first sem. Eto talaga ang dabes sa puro FAIL. Hahaha. Kasalanan ata talaga na nakadorm na ako nitong mga moment na ito. Kaya iyon, natuwa sa sandaliang paggayak. 7 ang pasok, 6:45 gigising. Oh diba? May 15 minutes naman na grace period, eh. Samanatalang nung uwian ako, ayoko ng nalelate. Pwera nalang pag petiks ang subject. =)) ANG HIRAP NG MAJOR. Sabayan mo pa ng terror na PROF. FTW, TAMAD NA ESTUDYANTE. Talagang wala akong mararating kung hindi, removals ulit. Oo, sa Major ko. POTAH. At tinago ko ito sa Mama ko dahil pag nalaman hindi na ako i-eenrol. =(( Pero ng eleksyon, nagkita sila ng Tita ko at iyon nasabi niya. SABI KO PANGIT NA MAY KAKILALA SA SCHOOL! Todo sermon, at talagang huling alas ko na ngayong 2nd sem. Pero, at this very moment nag-absent ako. WOW. SHET lang talaga. Scary na ito. Sana magtagal pa ako. =)) Hahaha. Puno ng problema ang 1st sem ko dahil sa major ko na iyon. OVER. =(( Pero nakalusot naman, sana ngayon din. PAPAKATINO NA AKO. Ows?? =))

At ngayon! Idagdag na natin ang aking 3rd year 2nd sem! WOOOOT. I passed! Sabi ko sayo, eh. BV lang talaga yung Prof ko dati kaya ako bumagsak. SISIHIN ANG PROF. TAMA TO.  At wala din akong make-up duty. Ang bait lang po talaga ng Prof namin sa Major. Hihihi. Eto din ung sem na sobra akong busy. Dahil ako ay naatasang maging LEADER. Shit. Lalo na yung sa Research namin, yun talaga ang isa pang SHIT, eh. Pag naman sa mga duty, Case Pres lang naman. Yun nga lang, puyat palagi dahil pag nag-set ng deadline time mga di sumusunod ang mga beloved menbers ko. =)) Sabayan mo pa ng mga CI na masyado paimportant. Pero may benefits din ito, dahil nagkakaroon ako ng number ng mga CI. HAHAHA. Wooooot. Landi part na yun. =))) Kalokohan ko this sem? MAS LUMALA. TSSSKKK. Hahaha. Goodluck to meeee.

HERE I AM, 4TH YEAR!!! YEHEY!!

So first semester as  a fourth year student? ANG HIRAAAAAAPPP! Lalo na ang isang subject namin kung saan prof  ko ulit ang unang-unang nagparemovals sa akin sa Major Subject. :)) Whew. Ayun, meet kami ulit ng Removals Exam. Haaay. Pasalamat nalang at napasa ko. At ngayon? START NA NG NURSING AUDIT! Malapit na ang Boards! Paghuhusayan ko na talaga ngayon, knowing na siya nanaman ang Prof namin! WHUUUUTTT!???! Ganun talaga, kailangang dumaan sa butas ng karayom! Goodluck! Pasalamat nadin ako sa Diyos at di ako madedelaty. Sad to say lang na isa sa aking mga friends ang di ko na ata makakasama. Sana may pag-asa pa. 😐 Counting the days before the start of 2nd sem! THIZ IZ IT!

‘Judge the book by its holder’

Advertisements

Leave a Comment so far
Leave a comment



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: