edtine


Same old me, them, us
February 17, 2011, 4:10 am
Filed under: EXPERIENCE, SCHOOL, Uncategorized

Barkada. Friends. Group. Tropa. Repapips. Marami pang tawag sa isang grupo na unti nalang tumira sa isang bahay. Hahaha.

Sa grupo namin, 5 lang kaming madalas magkasama ang iba nawala na. What I mean is, madalang nalang namin sila makita. Hehehe. Siguro, 1 year mahigit na yung isa at yung isa last 2 months pa. Grabe. Muntik na po silang magparamdam. Hahaha. =)) Name ng group, FICKY. Sounds lang FREAKY. Joke. Hahaha. Pero parang ganun na nga. Pero we’re not freak, kaya naming gawin kung kinakailangan. Hahaha. Trippers kami, kahit tulog na tao pwede naming mapagtripan, lalo na siguro pag gising ka kaya mas maganda padin na gising ka para makaganti. Tahimik kami pag tulog, naubusan ng sasabihin, gutom at mga kadahilanan na marahil ay ninais muna naming tumahimik ng pansamantala. Para naman bawas sa noise pollution. =)) Maka-kalikasan nga pala kami. Naniniwala kayo?? Hahaha. LABO, PLES.

Sige, ipapakilala ko na kaming lahat. =)) Hahaha.

HERE WE ARE!!!!

Yan na kami. Hahaha. Pictures lang. Pero actually 5 lang talaga kami, eh. Hahaha. Nagsimula lang naman ito nung 1st year college. 10+ kami na naging 8 na naging 6 hanggang sa maging 5 meron pa nga na 4 nalang kami. =)) Hahaha. Naging 7 din kami, pero panandalian lang naming nakasama ang isang grupo na iyon dahil sa nalipat na agad siya ng school.

Eto na talaga…

VERNICE EVE AGPALAO a.k.a VEY, VEYOT

Isa sa malakas mang-alaska sa grupo. Konting galaw napapansin. =)) At nakakaisip agad ng mapapang-asar. Palaging nakangiti. Akala mo nababaliw na? Hindi, ganun talaga siya. SWEAR. Hindi siya sanay sumibangot. Hahaha. Masarap mag-overnight sa bahay nila. WOOO. Kamuka kong only child lang din. Una kong naging ka-close sa group. =)) Hahaha. Inlove na inlove. AS IN kay Dodong. KAILAN BA KAYO IKAKASAL?? On-and-off kayo, eh! =) Masipag mag-aral pero may pagkatamad din minsan pag inatake. Matakaw siya, sa pagkakapansin ko. Hahahaha.

ROSE ANNE JAN CHUCA a.k.a CHU

Ang palaging nabubully ng grupo. Buti hindi ka napipikon?? Haha. SALAMAT SA UULITIN. =)) Puno ng hangin. Huwag ka! Payat na siya ngayon. Yesss!! Sexy na ulit. Kung dati takot kaming labanan siya kasi kaya niya kaming apat lahat. =| Katakot nuh! Haha.  Isa sa matalino sa amin, kopyahan ng grupo. Tambayan ang bahay nila kung saan nagaganap ang lahat ng kababalaghan at kahihiyan sa aming mga sarili. Medyo madali ding ma-inlove. Ha? Tama ba yung sinulat ko? Hahaha. Basta yun na yun! Ayoko ng mag-isip.

MA. CONCEPCION SOCORRO GRACIA AGGABAO  a.k.a CORINE

Ang may pinakamahabang name sa grupo namin. Hahaha. Kahit ano sa nams niya pwede niyo siyang tawagin, huwag lang sa surname. AGGABAO! HUY! Hahaha, PEACE. Galante, bangko nga pala ng lahat ng tao. Hahaha. Sobrang bait, kahit ginagago mo na tatawa padin. Pero minsan umiiyak din at nagagalit pag hindi na magkasya sa katawan niya ang  kahanginan mo. Hahaha. =)) Dati SEXY ngayon…hirap ng mgasalita. =)) Hahahahaha. Palagi ding lutang to, ewan ko ba kung minsan nasa Earth pa siya o naiwan kaluluwa at utak niya sa Pluto. SUS. Minsan tulala, akala mo naintindihan sinabi pero hindi pala. KAKAPAGOD KAYA MAG-ULIT. =D palaging gutom, kasi palaging nag-skip ng meal. TSK. BAD. Itutulog nalang daw niya. Magaling na bata. Magaling sumayaw. *SWAG IT BABY!* Magaling ding kumanta, ang soft ng voice niya parang cotton lang. Haha. Ang soft din niya parang kutson lang. HIHIHI. =D

SOPHIA MARIE CHAN a.k.a PHOI

*BLANK MESSAGE*

Hehehe. Bad! Eto pala ang promotor ng lahat ng kaingayan ng grupo namin idagdag mo pa ang matinis kong pagtawa. Wala na. Takpan na tenga. OA masyado. Hahaha. Isa palang kulugo to pero mas gugustuhin mo ng magkakulugo pag siya ang dumikit sayo. No dull moments dito. Di ko nga alam kung sanay mag-emo talaga tong tao na ito, eh. Pero sabi naman niya nalulungkot naman din daw siya. SIGE SABI MO. SAANG BANDA? Haha. Isa sa pinakamalayo na ang narating sa amin. NAKS. Kasi, simula sa pang-gagaya lang ng steps ng mga paborito naming  korean groups, ngayon, sinasayaw na niya ito sa school at sa iba’t-ibang lugar. Pwede na po siyang pagkakitaan. Kung sinoman po naghahanap ng dancer na joker pa. Please contact me to this page. HAHA. Binenta ba ang friend?? Hate po niya ang gulay. TSK. Opo, hate niya. Ulit pa???  Kumain siya once pero pinagpuputol ang dahon tas dalawang subo ng kanin. Oh diba?? Para daw di niya malasahan ang gulay. Tsk. Mabait. Sweet.

CHRISTINE JOY BULURAN a.k.a TINE

Ako yan. Hindi ko na ata dapat i-describe sarili ko. Haha. Facts nalang. Ako nga pala ang pinakamoody sa group. Pinakamalakas tumawa at pag di niyo ako napatawa hindi ka na talaga nakakatawa, sasampalin pa kita.  Malakas din ako kumain, minsan kahit tira-tira tinitira ko padin para walang matira. TIRA!! Hahaha. =)) Sa kabuuan habang binabasa niyo pa ang lahat ng nakasulat at masusulat ko dito mas makikilala niyo na ako. Hahaha. Hindi ako spopiler pagdating sa pagsusulat. =))

AYAN NA KAMING LAHAT. Interesting ba kaming kasama?? Hindi. Nakakatakot. =))

“TELL ME WHO YOUR FRIENDS ARE AND I”LL TELL YOU WHAT YOU ARE.”



Steps to the future..
February 17, 2011, 2:25 am
Filed under: EXPERIENCE

Abokado po. Yan ang palagi kong nasasabi nung bata ako kung ano gusto kong maging. At naabot ko? Palo at pisil sa aking Tatay. Kaya siguro Nursing ako ngayon, kasi hindi ko masabi ng tama ang abogado. Sorry naman, bulol pa ako nun. =))

First year college, eto yung tipong culture shock ka sa lahat. Haha. Iba trends, lalo pa na galing ako sa probinsya at medyo conservative..yung mga taga dun. Hahaha. Aga ko dumating nung first day. 7AM Haha. Ang layo pa kasi ng pinanggalingan ko. Hallerrr! Yun, pero wala pa namang prof. 30 minutes kaming nsasa isang room at nalaman nalang namin na mali pala ang room na iyon, pagdating namin sa isang room nandun na sila. WOW! Ang rami nila. KATAKOT. New feces, este FACES. =)) 1 week lang, para kaming magkakakilala na ng matagal. =)) Ayun, palaging may dagundong ng tawa sa aming kwarto. Woo. Party palagi. =)) Hindi naman naging ganung kahirap ang adjstments from HS. Maliban nalang sa sobrang seryoso na pag-aaral. Dahil halos 3 months mo lang pagtatrabahuin ang grades mo. Grabe. At dito ko rin unang naranasan ang unang REMOVALS. Wooot! Naiyak ako, pero kinaya ko. Thanks to God, napasa ko naman. =) Kasabay ng pagsumpa na hindi na ito mauulit. EWAN KO LANG.  Matiwasay na natapos ang first year ko sa college. Kumpara ngayong 3rd year ako, mas higit na madali pa ang buhay nun o di lang ako masyadong nagseryoso lang talag? Hahahaha. Either way, tapos na. Kaya naulit ulit, bwisit. Removals ulit sa Logic, na pinilit ko pang itago sa Mama ko pero nakita din. Nakita ang resibo ng removal fee. MALAS PO. Medyo kinabahan ako dito, dahil nabalitaan ko na maraming di nakapag-capping dahil sa subject lang na ito! IMPORTANTE??! Pero nakapasa naman. 7 lang kaming nagremovals, hindi pa kami pinasa agad. Formality daw, PURO FORMALITY!!

2nd year. Masaya din to. Sa sobrang saya wala ako maalala. Hahaha. Eto ang masasabi ko  na pinakamapayapa kong year. Besides sa wala akong Removals nito, nakapasa din pala ako sa Capping namin! HUWAW! kahit na alam kong may kapit lang talaga ako sa school, pero nakakakunsensya padin. Hindi ako makapagsaya ng maigi knowing na may tumulong sa akin. Hirap ng ganun, kaya huwag kayong mag-aaral sa isang university na may kakilala ka. SUS. Pressure cooker ka. Eto lang ata highlights ng 2nd year life ko. Haha. Peaceful lang talaga ako this year.

3rd year first sem. Eto talaga ang dabes sa puro FAIL. Hahaha. Kasalanan ata talaga na nakadorm na ako nitong mga moment na ito. Kaya iyon, natuwa sa sandaliang paggayak. 7 ang pasok, 6:45 gigising. Oh diba? May 15 minutes naman na grace period, eh. Samanatalang nung uwian ako, ayoko ng nalelate. Pwera nalang pag petiks ang subject. =)) ANG HIRAP NG MAJOR. Sabayan mo pa ng terror na PROF. FTW, TAMAD NA ESTUDYANTE. Talagang wala akong mararating kung hindi, removals ulit. Oo, sa Major ko. POTAH. At tinago ko ito sa Mama ko dahil pag nalaman hindi na ako i-eenrol. =(( Pero ng eleksyon, nagkita sila ng Tita ko at iyon nasabi niya. SABI KO PANGIT NA MAY KAKILALA SA SCHOOL! Todo sermon, at talagang huling alas ko na ngayong 2nd sem. Pero, at this very moment nag-absent ako. WOW. SHET lang talaga. Scary na ito. Sana magtagal pa ako. =)) Hahaha. Puno ng problema ang 1st sem ko dahil sa major ko na iyon. OVER. =(( Pero nakalusot naman, sana ngayon din. PAPAKATINO NA AKO. Ows?? =))

At ngayon! Idagdag na natin ang aking 3rd year 2nd sem! WOOOOT. I passed! Sabi ko sayo, eh. BV lang talaga yung Prof ko dati kaya ako bumagsak. SISIHIN ANG PROF. TAMA TO.  At wala din akong make-up duty. Ang bait lang po talaga ng Prof namin sa Major. Hihihi. Eto din ung sem na sobra akong busy. Dahil ako ay naatasang maging LEADER. Shit. Lalo na yung sa Research namin, yun talaga ang isa pang SHIT, eh. Pag naman sa mga duty, Case Pres lang naman. Yun nga lang, puyat palagi dahil pag nag-set ng deadline time mga di sumusunod ang mga beloved menbers ko. =)) Sabayan mo pa ng mga CI na masyado paimportant. Pero may benefits din ito, dahil nagkakaroon ako ng number ng mga CI. HAHAHA. Wooooot. Landi part na yun. =))) Kalokohan ko this sem? MAS LUMALA. TSSSKKK. Hahaha. Goodluck to meeee.

HERE I AM, 4TH YEAR!!! YEHEY!!

So first semester as  a fourth year student? ANG HIRAAAAAAPPP! Lalo na ang isang subject namin kung saan prof  ko ulit ang unang-unang nagparemovals sa akin sa Major Subject. :)) Whew. Ayun, meet kami ulit ng Removals Exam. Haaay. Pasalamat nalang at napasa ko. At ngayon? START NA NG NURSING AUDIT! Malapit na ang Boards! Paghuhusayan ko na talaga ngayon, knowing na siya nanaman ang Prof namin! WHUUUUTTT!???! Ganun talaga, kailangang dumaan sa butas ng karayom! Goodluck! Pasalamat nadin ako sa Diyos at di ako madedelaty. Sad to say lang na isa sa aking mga friends ang di ko na ata makakasama. Sana may pag-asa pa. 😐 Counting the days before the start of 2nd sem! THIZ IZ IT!

‘Judge the book by its holder’



The Beginning..
February 17, 2011, 1:56 am
Filed under: EXPERIENCE

Hello world! Word press. Hahaha. Masaya ako, ganyan talaga. 🙂

Ako nga pala si Tine, full name, Christine Joy S. Buluran. Ngayon lang college ako nauso ang palayaw ko na Tine dahil mas madalas akong matawag nung highschool na Bulu, mula sa apelyido ko. Muka naman, diba? Hehe.

Nag-iisa lang palang akong anak. Oo, lonely ang buhay pero masaya atleast nasa akin lang ang atensyon pati narin ang ang mga mata nila. Haha. Mahirap din pala. Madalas ko lang kasusap ang mga laruan ko nung bata, pati espada kinakausap ko nadin. =)) Ngayon, iba na ginagawa ko sa espada. Hihihihihi. BINABALI. :)))) Ikaw ha! Ano naisip?? Ganyan ako kabored nung bata, pero ngayon, mas trip ko ng mag-isa. Hahaha. Ewan ko ba, trip ko, eh. Mas gusto ko na kasi ng tahimik. You know??

Sa ngayon, third year college na ako and taking Bachelor of Science in Nursing. Naks, mag-aalaga ako ng may sakit, sarili ko nga di ko maalagaan. Hahaha. Connect? Try mo i-connect. =)))) Masaya ang college swear, pero gagawa ako ng part para sa College Life ko. Masaya to! Swear. Haba.

Mga hilig ko ay mang-asar, mang-inis, mang-epal, Mang-inasal. Seryoso, masarap talaga yung 99 lang nila. Sulit. Kumbinsing! May suminigit lang sa utak ko na pagkain. Actually hindi pa ako kumakain bago ko ito isulat. Umagang-umaga na kasi. =)) Basta, normal lang ako na tao, matakot ka pag hindi. =)) Normal maglakad, kumain, tumawa, matulog, tumakbo, muka. =))

Love people who loves me..NOT.

 

“Love is a rosary that full of mystery”- AUTOGRAPH BOOK.



Hello world!
February 17, 2011, 1:33 am
Filed under: Uncategorized

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!